GDI, tampok ng Porum ng Jakarta tungkol sa Relasyong Sino-ASEAN

2022-05-22 13:25:42  CRI
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, idinaos kamakailan ng delegasyong Tsino sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ASEAN ang “Porum ng Jakarta tungkol sa Relasyong Sino-ASEAN” na dinaluhan ng mahigit isang daang personahe mula sa Tsina, mga bansang ASEAN, UN Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP), at mga dalubhasa at iskolar.

 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Wu Jianghao, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na lubos na pinag-uukulan ng pansin at aktibong sinusuportahan ng mga bansang ASEAN ang GDI.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng mga bansang ASEAN para maging tagapagtaguyod ng pandaigdigang usapin ng pag-unlad, aktibista sa pagpapalalim ng kooperasyon, tagapagpasulong ng  malalim na pag-uugnayan ng GDI at konstruksyon ng komunidad ng ASEAN, kampeon ng  pagsasakatuparan ng Agenda ng Sustenableng Pag-unlad sa 2030, at tagapagsakatuparan ng komong kaunlaran.

 

Ipinalalagay naman ng panig ASEAN na ibayo pang napapabagal ng pandemiya at kalagayang pandaigdig ang nasabing agenda.

 

Kaya naman kailangan anilang palakasin ng komunidad ng daigdig ang pagtutulungan upang magkakasamang harapin ang mga hamon.

 

Ang tema ng nasabing porum ay “Palalimin ang Kooperasyon ng Global Development Initiative (GDI) at Hangarin ng Komunidad ng ASEAN sa Taong 2025, Pabilisin ang Pagsasakatuparan ng Agenda para sa Sustenableng Pag-unlad ng UN sa Taong 2030.”


Salin: Lito

Pulido: Rhio