Ipinahayag nitong Lunes, Hunyo 20, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dahil sa magkasabay na pagpapasulong ng pamahalaang Tsino ng mga gawain ng pagpigil at pagkontrol ng epidemiya ng COVID-19 at pagpapa-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan, nananatiling matatag ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Ito aniya ay nagpapalakas ng kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa kinabukasan ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Ayon sa ulat na inilabas sa Qingdao Multinationals Summit noong Hunyo 19, ang Tsina ay mahalagang destinasyon para sa pamumuhunan ng mga transnasyonal na bahay-kalakal.
Tinukoy ni Wang na noong nagdaang Mayo, bumuti ang mga pangunahing index ng kabuhayang Tsino.
Sinabi pa ni Wang na mula Enero hanggang Mayo ng taong ito, ang aktuwal na halaga ng dayuhang pamumuhunan sa Tsina ay lumaki ng 17.3% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021.
Ipinahayag pa ni Wang na sa hinaharap, ibayo pang paluluwagin ng pamahalaang Tsino ang restriksyon sa pagpasok ng pamilihan at mapapadali ang kalayaan sa kalakalan at pamumuhunan.
Salin: Ernest
Pulido: Mac
Patakaran ng Amerika sa Tsina, mapanlinlang, mapagkunwari at mapanganib – MFA ng Tsina
MFA ng Tsina: Patuloy ang mapayapa at makatarungang paninindigan sa isyu ng Ukraine
Tunguhin ng pagpapanumbalik, nakikita sa kabuhayan ng Tsina noong Mayo
CMG Komentaryo: Artikulo ng MFA ng Tsina, muling nagbunyag sa tunay na mukha ng Amerika