Sa pamamagitan ng video link, nangulo at nagtalumpati ngayong gabi, Hunyo 23, 2022, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-14 na Pagtatagpo ng mga Lider ng mga Bansang BRICS o Brazil, Russia, India, China, at South Africa.
Tinukoy ni Xi, na nitong nakalipas na isang taon, lumalaganap pa rin ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ligalig ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, at namumukod ang mga isyung pangkapayapaan at panseguridad.
Aniya, sa ganitong masalimuot na kalagayan, iginigiit ng mga bansang BRICS ang diwa ng BRICS na nagtatampok sa pagbubukas, pagiging inklusibo, kooperasyon, at mutuwal na kapakinabangan. Pinapalakas din ng mga bansa ang pagkakaisa, at magkakasamang hinaharap ang mga kahirapan, dagdag ni Xi.
Sa pamamagitan ng mga ito, ipinakikita ng mekanismo ng BRICS ang lakas at sigla, at nagkakaroon ng progreso at bunga ang kooperasyon ng BRICS, saad niya.
Binigyang-diin ni Xi, na bilang mga mahalagang bagong-sibol na ekonomiya at malaking umuunlad na bansa, kailangang ibigay ng mga bansang BRICS ang positibo, matatag, at konstruktibong mga elemento sa daigdig, sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at katarungan, pagpapalakas ng kompiyansa na pagtagumpayan ang pandemiya, pagpapasulong ng koordinasyon para sa pag-ahon ng kabuhayan, at paggigiit sa sustenableng pag-unlad.
Umaasa rin si Xi, na sa pamamagitan ng pulong na ito, pasusulungin ang pagtatatag ng de-kalidad na partnership ng mga bansang BRICS, at magkakasamang lilikhain ang bagong panahon ng pandaigdigang pag-unlad.
Editor: Liu Kai