CGTN Documentary TV channel and Radio, isasahimpapawid sa Hong Kong simula Hulyo 1

2022-06-24 16:04:20  CMG
Share with:

Magkasabay na ginanap ngayong araw, Hunyo 24, 2022 sa Beijing at Hong Kong ang seremonya ng paglulunsad ng The Greater Bay- Documentary TV channel and Radio ng China Global Television Network ng China Media Group (CMG-CGTN).

 


Simula Hulyo 1, isasahimpapawid ang The Greater Bay sa Hong Kong, bilang konkretong hakbangin sa pagpapasulong sa pangmatagalang praktika ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema” sa Hong Kong, at regalo sa mga kababayan ng Hong Kong sa ika-25 anibersaryo ng pagbalik ng Hong Kong sa inang bayan.

 

Sa kanyang video speech, sinabi ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Epsesyal na Rehiyong Adminsitratibo ng Hong Kong, na nitong nakalipas na ilang taon, mabilis na lumakas ang impluwensiyang pandaigdig ng CMG, nakatanggap ng malawakang pansin at pagkilala sa loob at labas ng bansa, at nakapaglatag ng mas malawak na tulay para sa pagpapalabas ng kultura at mga tatak ng Tsina.

 


Aniya, ang pagsasahimpapawid ng documentary channel at radio ng CGTN sa Hong kong ay makakatulong sa pagpapalakas ng pagkilala ng mga taga-Hong Kong sa sariling identidad bilang mamamayang Tsino.

 


Sa kanya namang talumpati sa seremonya, ipinagdiinan ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na layon ng The Greater Bay na tulungan ang mga kababayan ng Hong Kong na mas napapanahong malaman ang malalaking patakaran at prinsipyo ng pamahalaang sentral at pambansang estratehiyang pangkaunlaran, at pasiglahin ang komong kasaganaan at sigasig ng Chinese mainland at Hong Kong.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac