China Documentary Festival, binuksan

2022-06-21 15:43:27  CMG
Share with:

Binuksan ngayong araw, Hunyo 21, 2022 ang China Documentary Festival na magkasamang itinataguyod ng China Media Group (CMG) at Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina.


Sa pagdaraos ng pestibal, isasahimpapawid sa sandaang media at plataporma sa buong daigdig ang mahigit 50 documentaries at feature films na gawa ng CMG sa wikang Ingles, Espanyol, Pranses, Arabic at Ruso.


Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang naturang mga dokumentaryo at pelikula ay magpapakita sa mga manonood sa buong daigdig ng mga kuwento hinggil sa pagsisikap ng mga karaniwang mamamayang Tsino para sa kanilang ambisyon.


Sinabi niyang patuloy at buong sikap na ipagkakaloob ng CMG ang mga magagandang katha para sa mga manonood sa iba’t ibang bansa at rehiyon ng daigdig.


Ipinahayag naman ni Hu Heping, Ministro ng Kultura at Turismo ng Tsina, na sa pamamagitan ng pestibal na ito, buong sikap na palalalimin ng Tsina at ibang mga bansa ang pagpapalitan at kooperasyon sa kultura at turismo.


Dumalo sa seremoya ng pagsisimula ang mahigit 100 panauhin na galing sa buong daigdig sa pamamagitan ng video link.


Ang pestibal na ito ay tatagal hanggang katapusan ng taong 2022.


Salin: Ernest

Pulido: Mac