Sa harap ng hamon, dapat magtulungan ang mga bansa - FM ng Singapore

2022-06-24 15:04:59  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Commonwealth Foreign Affairs MinistersMeeting (CFAMM) na idinaos nitong Hunyo 23, 2022, sa Kigali, Rwanda, ipinahayag ni Dr. Vivian Balakrishnan, Ministrong Panlabas ng Singapore, na ang mga bansa ay hindi dapat  pangalagaan ang sariling kapakanan lamang .

 

Dr. Vivian Balakrishnan, Ministrong Panlabas ng Singapore (file photo)


Aniya, dapat magtulungan ang ibat ibang bansa para igarantiya ang bukas at maaasahang pandaigdigang kalakalan, para magkakasamang lumikha ng pagbangon ng kabuhayan sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Sinabi rin niyang ang multilateralismo at pagtitiwalaan, ay makakatulong sa komunidad ng daigdig sa harap ng ibat ibang hamon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac