Wang Yi, nagpahayag ng pakikiramay sa Afghanistan kaugnay ng kalamidad sa lindol

2022-06-25 18:12:00  CMG
Share with:

Ipinadala kahapon, Hunyo 24, 2022, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Amir Khan Muttaqi, umaaktong Ministrong Panlabas ng pansamantalang pamahalaan ng Afghanistan, ang mensahe bilang pagdadalamhati sa mga nasawi at pakikiramay sa mga nasugatan sa malaking lindol na naganap nitong Hunyo 22 sa Afghanistan.

 

Ipinahayag din ni Wang ang kahandaan ng Tsina na magkaloob ng kinakailangang pangkagipitang tulong sa Afghanistan.


Editor: Liu Kai