Magkasamang paggagalugad ng yaman sa SCS, handa pa ring isulong ng Tsina, kasama ng bagong pamahalaan ng Pilipinas

2022-06-26 17:25:49  CMG
Share with:

Kaugnay ng komprehensibong pagpapatigil ng panig Pilipino sa pakikipagtalastasan sa panig Tsino tungkol sa magkasamang paggagalugad ng langis at gas sa South China Sea, ipinahayag kamakailan ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paunang kondisyon na di-maaapektuhan ang posisyon at paninindigan ng isa’t-isa tungkol sa soberanya sa dagat, ang nasabing proyekto ay  tumpak na landas tungo sa maayos na paglutas ng pagkakaiba ng paninindigan ng dalawang bansa sa teritoryong pandagat, pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta.

 

Ani Wang, naunang narating ng mga lider ng dalawang bansa ang mahalagang pagkakasundo tungkol dito at nalagdaan ang “Memorandum of Understanding on Cooperation on Oil and Gas Development.”

 

Nagkaroon din aniya ng positibong talastasan sa ilalim ng balangkas na ito, at natamo ang mahalagang progreso.

 

Kaya, nakahanda pa rin aniyang magsikap ang panig Tsino kasama ng bagong pamahalaang Pilipino para magkasamang mapasulong ang nasabing talastasan, upang magkaroon ng substansyal na hakbang sa lalong madaling panahon, at makapagbigay ng aktuwal na benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.


Salin: Lito

Pulido: Riho