Ayon sa Philippine Mission sa United Nations (UN), sa Ika-32 Pulong ng mgta Signataryong Bansa ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na idinaos nitong Miyerkules, Hunyo 15, 2022, nahalal ang Pilipinas bilang miyembro ng grupong Asya-Pasipiko (APG) ng Commission on the Limits of the Continental Shelf (CLCS).
Isang sangay ang nasabing komisyon ng UN, tungkulin nitong pasulungin ang pagpapatupad ng UNCLOS.
Ipinahayag ng Philippine Mission na nakipagkompetisyon ang Manila sa ibang 8 bansa sa APG, at nakuha ang required 113 majority votes mula sa 164 na bansa matapos ang 4 na round ng pagboto.
Sinabi ng misyong ito na ito ang kauna-unahang pagkahalal ng Pilipinas sa nasabing misyon.
Ang pagkahalal ng Pilipinas ay makakapagpasulong sa ilang mekanismong tulad ng prinsipyo ng rotasyon, inklusyon, at representasyon sa pagitan ng mga bansang UNCLOS, dagdag pa nito.
Philippine Mission sa UN
Kaugnay nito, ipinahayag ni Teodoro Locsin Jr., Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang pasasalamat sa suporta mula sa Tsina.
“Thank you, China, for your vote. We have differences, sure. We tried but failed to bridge them but the endeavor was sincere. We are patriots to each of our respective causes, but we have a deep respect and genuine affection for each other,” saad ni Locsin sa Twitter.
Sa ngalan ng Pilipinas, si National Mapping and Resource Information Authority Deputy Administrator Efren P. Carandang ay sasapi sa CLCS. Ang kanyang termino ay mula taong 2023 hanggang 2028.
Salin: Lito
Pulido: Mac