Geopolitical calculation at paninira sa BRI, tinututulan ng Tsina

2022-06-28 16:55:53  CMG
Share with:

Kaugnay ng mungkahi na iniharap ng G7 ng pagsasagawa ng proyektong pang-imprastruktura sa mga umuunlad na bansa, ipinahayag nitong Hunyo 27, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na malugod na tinatanggap ng Tsina ang lahat ng mungkahi para pasulungin ang proyekto ng imprastruktura sa buong daigdig. Pero tinututulan ng Tsina ang paninira sa Belt and Road Initiative (BRI) para isulong ang geopolitical calculation.


Aniya, nitong nakaraang siyam na taon, sapul nang iharap ang BRI, walang cooperation partner ang nagsabing ang BRI ay nauwi sa debt trap.

 

Pero, ang mga aksyon ng Amerika na tulad ng pagsasagawa ng mga ekspansyonal na patakarang pansalapi, pagluluwag ng pamamahala sa inobasyong pinansyal, at iba pa, ang dahilan kung bakit ang ilang mga bansa ay naiipit sa debt trap, sinabi pa ni Zhao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac