Dynamic zero-COVID policy, nakabase sa layunin ng paghahari ng CPC

2022-06-29 20:14:20  CMG
Share with:

Nagpunta nitong Martes, Hunyo 28, 2022 sa isang komunidad sa lunsod Wuhan, probinsyang Hubei ng Tsina, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para alamin ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa pandemya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at ang gawain ng pagsasaayos ng komunidad pagkatapos ng pandemya.

Sinabi ni Xi na ang isinasagawang dynamic zero-COVID policy ng Tsina ay nakabase sa layunin at hangarin ng paghahari ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at sa aktuwal na kalagayang pang-estado ng bansa.

 

Layon nitong pangalagaan sa pinakamalaking digri ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan, ani Xi.

 

Sinabi niya na kung tutuusin, nagiging pinaka-angkop at pinakamabisa ang mga isinasagawang hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.

 

Dagdag pa ng pangulong Tsino, may kompiyansa ang Tsina na koordinahin nang mabuti ang pagpigil at pagkontrol sa pandemya at gawain ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan upang maabot ang mabuting lebel ng pag-unlad ng kabuhayan sa kasalukuyang taon.


Salin: Lito

Pulido: Mac