Xi Jinping, naglakbay-suri sa Wuhan

2022-06-29 14:11:07  CMG
Share with:

Naglakbay-suri kahapon, Hunyo 28, 2022 sa lunsod ng Wuhan ng lalawigang Hubei ng Tsina si Pangulong Xi Jinping ng bansa.


Idiniin ni Xi na dapat igiit ang patakaran ng inobasyon ng siyensiya at teknolohiya para pasulungin ang pag-unlad ng mga bagong teknolohiya at industriya.


Ang layon nito aniya ay mapalawak ang espasyo ng paglaki ng pambansang kabuhayan at mapataas ang kakayahan sa pandaigdigang kompetisyon.


Nang araw ring iyon, bumisita si Xi sa mga bahay-kalakal at pamayanan ng Wuhan.


Sinabi ni Xi na sumusuporta ang pamahalaang Tsino sa pagsasagawa ng mga bahay-kalakal ng inobasyon sa teknolohiya at buong sikap na nakakalikha ng magandang kapaligiran para sa mga talento at bahay-kalakal.

 

Sa pamayanan, nalaman ni Xi ang mga kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 at pamumuhay ng mga residenteng lokal.

 

Bukod dito, hiniling ni Xi sa pamahalaang lokal na dapat lutasin ang mga kahirapan ng mga mamamayan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac