Maabot ng Tsina ang 2022 target ng paglaki ng GDP— NDRC

2022-06-29 16:13:48  CMG
Share with:

Bagama’t kinakaharap ng Tsina ang di-inaasahang panganib, inaasahang maaabot ng bansa ang target nitong paglaki ng GDP na 5.5%. Sinabi ito nitong Hunyo 28, 2022, ng isang mataas na opisyal ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma (NDRC).


Ipapatupad ng pamahalaang Tsino ang mga umiiral na suportahang hakbangin, kasabay nito, pabubutihin ang mga patakaran na ipatutupad ayon sa iba't ibang situwasyon, ayon kay Ou Hong, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng NDRC.


Samantala, ipinahayag ni Zhao Chenxin, Pangkalahatang Kalihim ng NDRC, na tulad ng paggigiit ng pamahalaan nitong nakaraang ilang taon, hindi isasagawa ng Tsina ang pagpapabaha o pagbubuhos  ng stimulus. Sa halip nito, isasagawa ng Tsina ang hakbangin ng reporma at inobasyon, at gagamitin ang papel ng pamilihan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac