Kabuuang bolyum ng kabuhayan ng Tsina sa 2021, tumaas sa 114.4 trilyong yuan RMB mula 53.9 trilyong yuan noong 2012

2022-06-28 16:15:18  CMG
Share with:

Sa news briefing nitong Hunyo 28, 2022, kaugnay ng pag-unlad ng Tsina sa loob ng 10 taon, isinalaysay ng mga opisyal ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina ang kalagayan sa kompleto, wasto, at komprehensibong pagpapatupad ng bagong ideyang pangkaunlaran, at pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad.

 

Ayon sa salaysay, nitong nakalipas na 10 taon, tumaas sa 114.4 trilyong yuan RMB ang kabuuang bolyum ng kabuhayan ng bansa noong 2021, mula 53.9 trilyong yuan noong 2012.

 

Ang proporsyon nito sa kabuhayang pandaigdig ay lumaki sa mahigit 18% mula 11.3%.

 

Samantala, lumampas sa 12,000 dolyares ang Real GDP per capita, mula 6,300 dolyares.

 

Noong isang taon, nahanay sa ika-12 puwesto ang Global Innovation Index ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac