Kaugnay ng pagdaraos kamakailan ng Amerika at Taiwan ng pulong hinggil sa US-Taiwan Initiative on 21st-Century Trade, hinimok nitong Martes, Hunyo 28, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano na itigil ang paglagda ng kasunduang may implikasyon sa soberanya o may katayuang opisyal sa Taiwan, at huwag ipadala ang anumang maling signal sa puwersang naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan.
Tinukoy ni Zhao na may iisang Tsina lamang sa daigdig, ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina, at ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay ang siyang tanging lehitimong pamahalaan ng Tsina.
Dapat sundin ng panig Amerikano ang simulaing “isang Tsina” at mga tadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, at ihinto ang pakikipag-ugnayang opisyal sa Taiwan sa anumang porma, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Mac