Inisyu nitong Linggo, Hunyo 19, 2022 ng Ministring Panlabas ng Tsina ang isang factsheet na pinamagatang “Falsehoods in U.S. Perceptions of China.”
Sa pamamagitan ng detalyadong impormasyon at datos, ibinunyag dito ang panlilinlang, pagkukunwari, at mapanganib ng patakaran ng Amerika sa Tsina.
Inilahad din nito ang 21 punto bilang tugon sa talumpati kamakailan ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, sa Asia Society kaugnay ng mga patakaran ng pamahalaang Amerikano sa Tsina.
Ibinunyag nito ang katotohanan sa likod ng mga paksang gaya ng tangka ng Amerika na sikilin ang Tsina sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng umano’y isyung “bantang dala ng Tsina,” pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at paninira sa mga patakarang panloob at panlabas ng Tsina.
Binanggit din sa factsheet ang mga paksang kinabibilangan ng Indo-Pacific strategy ng Amerika, alitan sa bilateral na kalakalan, usapin sa drogang Fentanyl, at maling pananalita ng Amerika hinggil sa mga karapatang pandagat ng Tsina, pag-unlad ng teknolohiya at pagtugon sa pagbabago ng klima.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Dapat bumawi ang Amerika sa pinsala nito sa Afghanistan sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon — Tsina
CMG Komentaryo: Imbestigasyon sa isyu ng karapatang pantao ng Amerika, dapat ilakip sa agenda
MFA ng Tsina: Patuloy ang mapayapa at makatarungang paninindigan sa isyu ng Ukraine
Paghadlang sa kooperasyong pangkalakalan ng Tsina at Amerika, nakakasira sa pandaigdigang kaayusan
CMG Komentaryo: Amerika, dapat isakatuparan ang pangako sa Tsina