CMG Komentaryo: SPP ng Nepal, isang kabiguang ng Indo-Pacific Strategy ng Amerika

2022-06-29 14:56:49  CRI
Share with:

Ipinasiya kamakailan ng Gabinete ng Nepal na itigil ang pagpapasulong ng kooperasyon nila ng Amerika sa State Partnership Program (SPP).

 

Kapwang ipinalalagay ng iba’t-ibang paksyon at panig militar ng Nepal na ang pagsapi sa SPP ay hindi angkop sa kapakanan ng kanilang bansa. Kailangan aniyang “permanenteng bigyang-wakas” ang pagtalakay sa isyung ito.

 

Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang nasabing kapasiyahan ng Nepal ay sumasagisag ng pagkabigo ng Indo-Pacific Strategy ng Amerika.

 

Ang SPP ay isang plano ng pagpapalitan sa pagitan ng National Guard ng iba’t-ibang estado ng Amerika at mga partners nito. Sinimulan noong 1990s, ito ay naglalayong tulungan ang mga kaukulang bansa sa “pag-reporma” ng kanilang puwersang pandepansa pagkatapos mabuwag ang dating Soviet Union.

 

Ngunit sa katotohanan, ito ay katuwiran para manghimasok ang puwersang militar ng Amerika sa ibang bansa.

 

Ayon sa naibunyag na burador ng SPP ng Nepal at Amerika kamakailan, kabilang sa mga nukleong laman nito ay pagsasagawa ng kapwa panig ng magkasanib na ensayong militar sa plateau region ng Nepal, walang-limitasyong paglahok ng organisasyong paramilitar ng Amerika at pagtatayo ng imprastruktura sa Nepal, pagkakaloob ng Amerika ng impormasyon at kagamitang militar sa Nepal sa paglaban sa terorismo.

 

Agad ba makikitang puno ng malinaw na elementong militar ang nasabing mga probisyon, at napakalinaw ng tangka ng Amerika na panghimasukan ang suliraning panloob ng Nepal. Kaya inulan ito ng napakalaking pagtutol sa loob ng Nepal.

 

Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ginagamit ng Amerika ang pagbabago ng situwasyong pulitikal ng Nepal nitong ilang taong nakalipas para mapalakas ang panghihimasok at pagpapalaganap nito sa mga suliraning pampulitika at panseguridad ng Nepal at patuloy na mapaunlad ang mga pro-American na sentimiyento sa bansang ito.

 

Kasalukuyang naghahanap ang mga mamamayan sa rehiyong Asya-Pasipiko ng katatagan ng bansa at kaligayahan ng pamumuhay.

 

Nagsisilbing pagkakataon at partner ang Tsina, at ito ang nagiging komong palagay sa rehiyong Asya-Pasipiko. Ang nasabing nagawang kapasiyahan ng Nepal ay matinding pagtutol sa Indo-Pacific Strategy ng Amerika.

 

Kasabay ng paggawa ng ilang bansa ng rasyonal na pagpili batay sa kani-kanilang kapakanan, mabibigo sa wakas ang nasabing estratehiya ng Amerika.


Salin: Lito

Pulido: Mac