Ferdinand Marcos Jr., nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

2022-06-30 17:33:51  CMG
Share with:

Nanumpa ngayong araw, Hunyo 30, 2022 si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.


Sa inagurasyon, ipinahayag niyang priyoridad ng kanyang pamahalaan ang sektor ng agrikultura upang tiyakin ang sapat na suplay ng pagkain sa buong bansa.


Hinirang ni Pangulong Marcos ang kanyang sarili bilang bagong Kalihim ng Agrikultura para rito.


Saksi sa inagurasyon ang tatlong dating pangulo ng Pilipinas na sina Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo, mga diplomata at ibang mga dayuhang kinatawan.


Bilang espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dumalo rin dito si Pangalawang Pangulong Wang Qishan.