Kasama ni Punong Ehekutibo Carrie Lam ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), bumisita kahapon, Hunyo 30, 2022, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa Hong Kong Science Park.
Tinukoy ni Xi, na nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng suporta ng sentral na pamahalaan at sa pamamagitan ng pagpapalakas ng sariling mga bentahe, natatamo ng Hong Kong ang kapansin-pansing bunga sa mga saligang pananaliksik, paghubog ng mga talento, at pagpapaunlad ng mga industriyang may inobasyong pansiyensiya.
Hiniling ni Xi sa pamahalaan ng HKSAR na bigyan ng mas malaking priyoridad ang inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya.
Hinimok din niya ang mga tauhang pansiyensiya at panteknolohiya ng Hong Kong, na lumikha ng mas maraming bungang nangunguna sa daigdig.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan