Positibong pagtasa, ibinigay ni Xi Jinping sa gawain ng paalis na punong ehekutibo ng HKSAR

2022-07-01 10:44:19  CMG
Share with:

 

Nakipagtagpo kahapon, Hunyo 30, 2022, sa Hong Kong, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

 

Positibong pagtasa ang ibinigay ni Xi sa mga gawain at ambag ni Lam sa kanyang 5-taong termino bilang punong ehekutibo ng HKSAR.

 

Umaasa rin si Xi, na aktibong susuportahan ni Lam ang mga gawain ng bagong punong ehekutibo at pamahalaan ng HKSAR, at patuloy na ibibigay ang ambag para sa pag-unlad ng Hong Kong at buong bansa.

 

Pinasalamatan naman ni Lam si Xi sa kanyang pagpunta sa Hong Kong para dumalo sa selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng pagbalik ng Hong Kong sa inang bayan at inagurasyon ng ika-6 na termino ng pamahalaan ng HKSAR.

 

Aniya, ipinakikita nito ang seryosong pag-aasikaso ni Xi sa mga kababayan sa Hong Kong.

 

Sinabi pa ni Lam, na ikinatutuwa niya pagkakataong nakapag-ambag siya sa usapin ng “Isang Bansa Dalawang Sistema.”


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan