Pambansang Asemblea ng Afghanistan, nanawagan na kilalanin ang rehimen ng Taliban

2022-07-03 13:57:28  CRI
Share with:

Sa pagsasara nitong Sabado, Hulyo 2, 2022 ng Pambansang Asemblea o “Loya Jirga” ng Afghanistan, pinagtibay ang resolusyong nanawagan sa komunidad ng daigdig na kilalanin ang kapangyarihan ng pansamantalang pamahalaan ng Taliban.

 

Anang resolusyon, umaasa ang Afghanistan na kikilalanin ng iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng mga kapitbansa nito ang rehimen ng Taliban.

 

Ipinagdiinan din nito na hindi pahihintulutan ng Taliban na gamitin ang anumang bahagi ng lupang Afghani sa paglaban sa anumang bansa.

 

Dadag pa ng resolusyon, hinding hindi rin papayagan ang panghihimasok ng sinuman sa mga suliraning panloob ng Afghanistan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio