Pangkagipitang materyal, ipinagkaloob ng kompanyang Tsino sa nilindol na purok ng Afghanistan

2022-06-27 15:43:39  CMG
Share with:

Lalawigang Khost, Afghanistan, Hunyo 26, 2022 Sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya, ipinagkaloob ng China Metallurgical Group Corporation (MCC) ang mga pangkagipitang materyal sa mga nilindol na lugar ng Afghanistan.

 

Pinasalamatan naman ng opisyal ng Khost ang tulong na kaloob ng Tsina.

 

Ang nasabing grupo ng materyal na bigay ng Tsina sa mga Afghan ay kinabibilangan ng bigas, harina, mantika, at tsaa at iba pa.

 

naganap ang lindol sa Afghanistan noong Hunyo 22, 2022 (file photo)


Salin:Sarah

Pulido:Rhio