Sa preskon Hulyo 5, 2022, matapos ang pagtatagpo nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Don Pramudwinai, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand, ipinahayag ni Wang na ang taong 2022 ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Thailand, at sa pagdalaw niya sa bansa, isinagawa ng dalawang panig ang malalim na estratehikong pag-uusap, at narating ang 4 na mahalagang komong palagay.
Kabilang sa mga ito ay: una, magkasamang pagtatayo ng komunidad na may pingbabahaginang kapalaran ng Tsina at Thailand.
Ikalawa, magkasamang pagsasakatuparan sa koneksyon ng buong linya ng China-Laos-Thailand Railway.
Ikatlo, magkasamang pangangalaga sa cybersecurity, at matinding paglaban sa lahat na porma ng telecommunications fraud para mapangalagaan ang seguridad ng ari-arian ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ikaapat, pagtutulungan upang magtamo ng positibong bunga ang Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Susuportahan ng Tsina ang Thailand sa pagdaraos nito ng pulong ng APEC ngayong taon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio