Ipinahayag ngayong araw, Abril 27, 2022 ni Tang Zhimin, Direktor ng China ASEAN Studies Center ng Panyapiwat Institute of Management ng Thailand, na ang matatag na pagtakbo ng kabuhayang Tsino ay mahalaga para sa pagbangon ng kabuhayang Thai.
Sinabi niyang dahil sa epekto ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), humina ang industriya ng turismo ng Thailand at bumaba rin ang bolyum ng pagluluwas ng bansa.
Ang mga ito aniya ay mahahalagang puwersa para sa pagpapasulong ng kabuhayang Thai.
Samantala, ang Tsina ay ang pinakamalaking trade partner ng Thailand at mahalagang merkado ng pagluluwas ng mga produktong Thai.
Kaya, makakatulong sa pagbangon ng kabuhayang Thai ang mabuting kabuhayang Tsino, dagdag niya.
Salin: Ernest
Pulido