Embahador Tsino sa Thailand: Maganda ang kinabukasan ng kooperasyon ng dalawang bansa

2022-03-23 15:52:17  CMG
Share with:

 

Embahador Tsino sa Thailand: Maganda ang kinabukasan ng kooperasyon ng dalawang bansa_fororder_20220323Thailand

Sa kanyang talumpati kamakailan sa aktibidad na idinaos ng Thai Journalists’ Association, ipinahayag ni Han Zhiqiang, Embahador ng Tsina sa Thailand na kahit ano man ang pagbabagong mangyari sa  pandaigdigang situwasyon, mananatiling maganda ang kinabukasan ng relasyon at kooperasyon ng Tsina at Thailand.

 

Sinabi ni Han na mahaba ang mapagkaibigang kasaysayan at malaki ang nakatagong lakas ng kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Kaugnay ng relasyon ng Tsina at Thailand sa hinaharap, ipinahayag ni Han na nakahanda ang Tsina na palalimin, kasama ng Thailand, ang pagtitiwalaan at kooperasyon.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio

Please select the login method