Mga pagkain at gawain para makatakas sa mainit na panahon

2022-07-07 15:00:03  CMG
Share with:

Ang Minor Heat o Xiao Shu ay ang ika-11 sa 24 na solar term ng Tradisyunal na Kalendaryong Tsino.

 


Pagpasok ng Minor Heat, napaka-init ng panahon, at ito ay tinatawag na Dog Days sa wikang Ingles, o San Fu naman sa wikang Tsino.

 

Ang San ay nangangahulugang tatlo at ang Fu ay tumutukoy sa pinakamainit na panahon.

 


Kaya, ang literal na kahulugan ng San Fu ay “tatlong pinakamainit na panahon,” at ito ay tumatagal ng 30 hanggang 40 araw.

 

Anu-ano ang mga dapat kainin tuwing San Fu?

 

Heto at tingnan ninyo ang mga larawan!


Pakwan

 

Toge

 

Ugat ng Lotus

 

May kasabihang Tsino: Dumpling para sa unang Fu, nudel para sa pangalawang Fu, at Chinese pancake na may kasamang binatil na itlog para sa pangatlong Fu.

 

Tuwing San Fu, ang sikat ng araw ay pinakamalakas at pinakamatagal sa buong taon,  kaya isa ring kaugalian ng mga Tsino ang pagbibilad ng mga damit.

 


Bukod sa mga damit, kagawian na rin sa Tsina ang pagbibilad ng iba pang bagay tulad ng mga inani, aklat at iba pang kasangkapan sa bahay upang maiwasan ang pagkaka-amag ng mga ito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio