Pampagandang may “China chic,” mabiling mabili sa pamilihan

2022-07-05 14:51:14  CMG
Share with:

Ano ang kalalabasan kung paghahalo-haluin ang tradisyonal na kultura, mga kilalang lugar na historikal at kultural at produktong pampaganda?

 

Sa kasalukuyan, mabiling mabili sa pamilihan ang produktong pampaganda na may “Guochao” o “China chic.”

 

Ang Palasyong Imperyal, o kilala rin bilang Forbidden City sa Beijing, Tsina ay kilalang tourist spot. Ngayon, sikat na sikat din ang cosmetics na may mga elemento ng Forbidden City.

 

Eye shadow Palettes batay sa inspirasyon ng dapit-hapon sa Forbidden City

  

Blush Palettes batay sa inspirasyon ng magnolias sa Forbidden City

 

Lipstick na binalot ng larawan ng isang aklat hinggil sa peony sa Forbidden City

 

Lipstick na binigyan-inspirasyon ng “hebao” o small bag sa Forbidden City

 

 

Kultura ng pagbuburda ng Tsina

 

Bukod dito, ang iba pang lugar na historikal at kultural sa Tsina na gaya ng Mogao Grottoes sa Dunhuang, Guho ng Sanxingdui sa Lalawigang Sichuan, at Danxia Landform ay nakakapagpasigla rin sa pagiging malikhain ng desenyo ng mga produktong pampaganda.

 


Salin: Vera

 

Pulido: Mac