Unang opisina ng AIIB sa ibang bansa, bubuksan

2022-07-08 18:37:08  CMG
Share with:

Inaprobahan na kamakailan ng board ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ang unang opisina nito sa ibang bansa. 

 


Ang unang opsyon ng lokasyon ng naturang opisina ay Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE). Sa ngayon, nag-uusap ang AIIB at UAE hinggil sa mahalagang mga bagay at inaasahang mararating ang kasunduan kaugnay nito sa darating na ilang linggo.

 

Ipinahayag ng kinauukulang namamahalang tauhan ng AIIB na ang pagtatayo ng opisina sa UAE ay makakabuti sa pagpapalawak ng pamumuhunan ng AIIB sa Gitnang Silangan, Gitnang Asya, Aprika, Lating Amerika at iba pang rehiyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac