Sa utos ni Emperador Yongle ng Dinastiyang Ming, sinimulan ni Zheng He na kilala rin bilang Cheng Ho, nabigador at opisyal ng panahong iyon, ang kanyang unang paglalayag sa Kanluran, mula sa Puwerto ng Liujia noong Hulyo 11, 1405.
Mula 1405 hanggang 1433, pitong beses na naglayag pa-Kanluran si Zheng He upang ipalaganap ang modernong kulturang Tsino.
Dahil sa nasabing historikal na pangyayari, nagsimula ang pagpapalitan ng kultura, materyal, at diwa sa pagitan ng Silangan at Kanluran.
Bunga nito, nakilala ng daigdig ang Tsina, at nalaman ng Tsina ang daigdig.
Sa proseso ng paglalayag ni Zheng, naibahagi ang mga modernong teknolohiya at kulturang Tsino sa mga dinalaw na lugar, at nagpataas sa lebel ng sibilisasyon sa mga lugar na ito.
Pagkatapos nito, lumitaw ang napakaraming mandarayuhang Tsino, na nakapagbigay ng napakalaking ambag para sa paggagalugad at sustenableng pag-unlad ng Timog-silangang Asya.
Treasure Boart ni Zheng He
Bunga ng madalas na paglalayag ni Zheng He sa Kanluran, napalalim ang pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at mga dayuhang bansa, at naging dahilan sa pag-usbong ng bagong yugto ng pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina at iba’t-ibang bansa sa Timog-silangang Asya.
Noong panahon ng Emperador Yongle ng Dinastiyang Ming, bumisita sa Tsina ang 318 diplomatang dayuhan.
Bukod pa riyan, pinamunuan ng 11 hari mula sa Sulu, Brunei, at iba pa, ang kani-kanilang delegasyon upang magsagawa ng dalaw-pang-estado sa Dinastiyang Ming.
Libingan ni Sultan Paduka Pahala sa Dezhou, lalawigang Shandong, gawing silangan ng Tsina
Kaugnay nito, 3 hari ng iba’t-ibang bansa ang sinawing-palad habang dumadalaw sa Tsina at ang kanilang mga libingan ay matatagpuan sa bansa.
Si Sultan Paduka Pahala ay Pilipinong Sultan na nagpunta sa Tsina upang dalawin ang kanyang kaibigan, ang Emperador Yongle ng Dinastiyang Ming.
Libingan ni Sultan Paduka Pahala sa Dezhou, lalawigang Shandong, gawing silangan ng Tsina
Sa kanyang biyahe pabalik ng Pilipinas, nagkasakit siya at namatay sa Dezhou, lalawigang Shandong, gawing silangan ng Tsina noong 1417.
Libingan ni Sultan Paduka Pahala sa Dezhou, lalawigang Shandong, gawing silangan ng Tsina
Alinsunod sa tradisyon ng Sulu, nagpa-iwan sa Dezhou ang kanyang asawang si Reyna Kamulin, dalawang nakababatang anak na lalaki, at ilang sundalo upang ihanda at pangalagaan ang libingan ng sultan.
Nagbibigay-galang ang mga Pinoy sa puntod ni Sultan Paduka Pahala.
Magpahanggang ngayon, binabantayan pa rin ng kanilang mga salinlahi ang puntod ni Sultan Paduka Pahala.
Naka-ukit sa kasaysayan ang ginawang napakalaking pagsisikap at ambag ni Zheng He sa pagpapalaganap ng kulturang Tsino.
Salin: Lito
Pulido: Rhio