Tsina at Malaysia: Palalalimin ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan

2022-07-13 15:20:41  CMG
Share with:

Nag-usap Hulyo 12, 2022, sa Kuala Lumpur, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Dato Saifuddin Abdullah, Ministrong Panlabas ng Malaysia.

 


Sinabi ni Saifuddin na nakahandang panatilihin ng Malaysia ang pakikipagpalitan sa Tsina sa mataas na antas, palakasin ang estratehikong koneksyon ng dalawang panig, pabilisin ang magkasamang pagtatatag ng mga proyekto ng Belt and Road Initiative (BRI), at palawakin ang kooperasyon ng inobasyon.

 

Aniya pa, pinupuri ng Malaysia ang Global Development Initiative (GDI) na inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Sang-ayon ang Malaysia sa multipolar na daigdig at tinututulan ang pakiki-alam sa suliraning panloob ng ibang bansa sa katwiran ng karapatang pantao.

 

Samantala, ipinahayag ni Wang na nakahanda ang Tsina na palakasin ang estratehikong koordinasyon sa Malaysia para magkasamang mapangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng sariling bansa, sabay-sabay na, ipagkaloob ang mas maraming positibong enerhiya at ibigay ang mas maraming bagong ambag para sa kapayapaan at katatagan ng buong daigdig.

 

Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na isakatuparan nang mabuti ang bunga ng unang pulong ng sistema ng komisyon sa mataas na antas ng kooperasyon ng Tsina at Malaysia, at patuloy na palalimin ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.

 

Magkasamang lumahok ang dalawang Foreign Ministers sa seremonya ng paglalagda ng mga dokumento ng kooperasyon pagkatapos ng kanilang pag-uusap.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac