Tsina at Malaysia, palalakasin ang komprehensibong kooperasyon sa iba’t ibang larangan

2022-07-13 15:18:44  CMG
Share with:

Nakipagtagpo nitong Hulyo 12, 2022, sa Kuala Lumpur, si Punong Ministro Ismail Sabri Yaakob ng Malaysia kay Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.

 



Ipinahayag ni Wang na nakahanda ang Tsina na palakasin ang komprehensibong kooperasyon ng Tsina at Malaysia, at susuportahan ang mga kompanyang Tsino na mamumuhunan sa Malaysia para makatulong sa Malaysia na pabilisin ang proseso ng industriyalisasyon ng bansa.

 

Ani Wang, palagiang tinitingnan ng Tsina ang relasyong Tsino-Malaysiyano sa estratehiko at pangmalayuang anggulo. Susuportahan ng Tsina ang Malaysia sa pagganap nito ng mahalagang papel sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

 

Samantala, pinasalamatan ni Ismail ang suporta ng Tsina sa Malaysia. Ipinahayag niyang nakahanda ang kanyang bansa na palalimin ang kooperasyon at koneksyon ng Tsina at Malaysia sa iba’t ibang larangan, at aktibong magiging kalahok sa kooperasyon ng Trans-Asian Railway (TAR).

 

Ipinahayag din ni Ismail na lubos na pinahahalagahan ng Malaysia ang mga mahalagang mungkahi na inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, pinapurihan ang mungkahing "kalutasan ng Tsina" para sa pagsasaayos ng daigdig.

 

Nagpalitan din ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung panrehiyong at pandaigdig na pinaghahalagahan ng kapuwang dalawang bansa.


Salin:Sarah

Pulido:Mac