Hulyo 13, 2022, Nanning, kabisera ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina - Magkasamang pinanguluhan nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro ng Biyetnam ang Ika-14 na Pulong ng China-Vietnam Steering Committee for Bilateral Cooperation.
Ipinahayag ng dalawang panig ang pagpapabilis sa kooperasyon ng konektibidad at magkasamang pagtatatag ng “Belt and Road (BRI)” at "Two Corridors and One Economic Circle" Plan.
Bukod dito, tinalakay rin ang pagbuo ng mekanismo ng pangangalaga at pagpapasulong sa industrial at suplay chain ng isa’t isa.
Nagkasundo rin sila sa pagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t ibang larangang tulad ng agrikultura, paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), bagong industriya, media at iba pa.
Kasabay nito, nangako rin ang dalawang bansa, na maayos na hahawakan ang mga sensitibong isyu sa dagat, at pasusulungin ang kooperasyong pandagat upang matatamo ang mas maraming bunga.
Ipinahayag nila ang pagkakaisa sa diplomatikong pagresolba sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, paggigiit sa nukleong papel ng ASEAN, pagsusulong sa totoong multilateralismo, at pagbubukas ng rehiyon.
Magkasama ring nilagdaan ang serye ng mga dokumentong pangkooperasyon matapos ang pulong.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio