Graph: ASEAN, nanatiling pinakamalaking trade partner ng Tsina sa unang hati ng 2022

2022-07-14 12:24:55  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas Miyerkules, Hulyo 13, 2022 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, umabot sa 2.95 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong unang hati ng 2022.

 


Ito ay lumaki ng 10.6% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Patuloy na nananatiling pinakamalaking trade partner ng Tsina ang ASEAN.

 

Salin: Vera


Pulido: Rhio