Sa kanyang talumpati kahapon, Hulyo 11, 2022 sa Sekretaryat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), nanagawan si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na magkasamang igiit ang bukas na rehiyonalismo at palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.
Bumati si Wang sa ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN. Sinabi niyang nitong 55 taong nakalipas, natamo ang kahanga-hangang progreso ng ASEAN at ang Asya ay naging golden era ng pag-unlad at kooperasyon sa buong daigdig.
Tinukoy ni Wang na ang susi ng “Asian Miracle” ay paggigiit ng bukas na rehiyonalismo.
Kaugnay ng direksyon ng pag-unlad ng Asya sa hinaharap, sinabi ni Wang na dapat pangalagaan ang multilateralismo at igigiit ang paglalagay sa unang puwesto ng pag-unlad at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, sa halip ng pagbalik sa lumang ideya ng Cold War at bloc confrontation.
Sinabi ni Wang na ang paninindigang Tsino ay pagsasama sa mga bansa ng Asya, lalo na ng ASEAN, para igiit ang ideya ng kapayapaan, kaunlaran pagsasarili at pagbibigayan, at matatag na isakatuparan ang bukas na rehiyonalismo.
Salin: Ernest
Pulido: Mac