Anihan ng butil sa tag-init sa Tsina, lumaki

2022-07-15 15:33:07  CMG
Share with:


Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina na isinapubliko nitong Huwebes, Hulyo 14, 2022, lumaki ng 1% ang kabuuang output ng anihan ng butil sa tag-init sa Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Umabot sa 147.39 milyong tonelada ang kabuuang output ng pagkaing-butil ng bansa sa tag-init, at ito ay tumaas ng 1.434 milyong tonelada kumpara noong isang taon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac