Kasama ng komunidad ng daigdig: Tsina, magsisikap para palakasin ang pangangalaga sa GIAHS

2022-07-18 16:36:23  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati Hulyo 18, 2022, sa World Conference on Globally Important Agricultural Heritage Systems (GIAHS), ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pangangalaga sa agricultural heritage ay komong responsibilidad ng buong sangkatauhan.

 

Sinabi niyang aktibong susuportahan ng Tsina ang inisyatiba ng Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO) hinggil sa GIAHS.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig, para mapalakas ang pangangalaga sa GIAHS, tungo sa pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN at pagtatayo ng pingbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.

 

Sa magkasamang pagtataguyod ng Ministry of Agriculture and Rural Affairs ng Tsina at pamahalaan ng lalawigang Zhejiang, binuksan ang naturang komperensya sa nayong Qingtian ng nasabing probinsya.

 

Ito ay may temang “Agricultural Heritage for Rural Prosperity.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio