Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kay Peter Szijjarto, Ministrong Panlabas ng Hungary, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat pulutin ng iba’t ibang panig ang aral mula sa krisis ng Ukraine.
Sa pag-uusap, isinalaysay ni Szijjarto ang kasalukuyang kalagayan sa Europa at Hungary, partikular, ang hamong pang-ekonomiya at pinansyal na kinakaharap ng Hungary dahil sa epekto ng krisis ng Ukraine.
Kaugnay nito, sinabi ni Wang, na hindi lamang Europa ang apektado ng naturang krisis, kundi buong daigdig.
Ipinahayag niyang, patuloy na pinapapasulong ng Tsina ang talastasang pangkapayapaan, bagaman ang Tsina ay hindi partido sa krisis ng Ukraine.
Aniya pa, dapat itatag ng iba’t ibang panig ang balanse, epektibo at sustenableng framework ng seguridad sa Europa para isakatuparan ang pangmalayuang kapayapaan at kaligtasan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio