Ligtas at mabisa ang bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Tsina, sinabi ito Pebrero 9, 2022, ni Peter Szijjarto, Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Hungary.
Sa isang video na inipost sa social media bago ang pagpunta niya sa Lyon, lunsod ng Pransya, para lumahok sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas at Ministrong Pangkalusugan ng Unyong Europeo (EU), sinabi ni Szijjarto na mainam ang epekto ng mga oriental vaccines kontra COVID-19 na ginamit ng Hungary.
Sinabi niya na sa ngayon, ito ang panahon para sa mga organisasyong pandaigdig na gumawa ng kapasiyahan ayon sa propesyonal na kalagayan sa halip ng pulitika.
Ang Hungary ay kauna-unahang miyembro ng EU na nag-aproba at gumamit ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Mac