Sa pakikipag-usap sa telepono nitong Huwebes, Abril 29, 2021 kay Orbán Viktor, Punong Ministro ng Hungary, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul nang pumutok ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagsasagawa ang Tsina at Hungary at kanilang mga mamamayan ng mainam na kooperasyon at nagtamo ng mahalagang bunga.
Aniya, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang buong tatag na paggigiit ng Hungary ng mapagkaibigang patakaran sa Tsina. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba’t-ibang kaukulang panig na gaya ng Hungary, para mapasulong pa ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang Gitnang Silangang Europeo.
Ipinahayag naman ni Orbán Viktor ang pasasalamat sa ibibinigay na tulong at suporta ng Tsina sa pakikibaka ng Hungary laban sa pandemiya.
Umaasa aniya siyang patuloy na mapapalalim ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa larangan ng bakuna.
Salin: Lito
Pulido: Mac