Premyer Tsino sa tagapangulo ng WEF: Tsina, igigiit ang pagbubukas sa labas

2022-07-20 12:45:18  CMG
Share with:

Sa virtual na pulong kasama si Klaus Schwab, Ehekutibong Tagapangulo ng World Economic Forum (WEF) Martes, Hulyo 19, 2022, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na kailangang patibayin ng komunidad ng daigdig ang pagtitiwalaan, pangalagaan ang kapayapaan at katatagan, palakasin ang diyalogo’t pag-uugnayan, at magkakapit-bisig na harapin ang mga hamon.

 

Samantala, hanga si Li sa ginawang pagpopokus ng WEF sa pag-unlad ng kabuhayan at pagpapalakas ng kooperasyon sa Tsina.

 

Sinabi niyang ang pagpapalalim ng kooperasyon ng kapuwa panig ay makakatulong sa pagpapadala ng positibong signal sa buong mundo hinggil sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.

 


Tinukoy rin ng premyer Tsino na kahit ano pang pagbabago ang mangyari sa daigdig, buong tatag na igigiit ng Tsina ang pundamental na patakaran ng pagbubukas sa labas.

 

Diin niya, nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagdiyalogo at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang panig, at likhain ang kondisyong mabuti sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon.

 

Saad naman ni Schwab, nahaharap sa multipleng krisis at hamon ang kasalukuyang daigdig.

 

Kaya’t, nakahanda aniya ang WEF na palalimin ang kooperasyon sa Tsina, pasulungin ang pandaigdigang diyalogo, lubos na patingkarin ang papel ng sirkulong industriyal at komersyal, palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungang pandaigdig at panrehiyon, at palakasin ang kooperasyon sa pagharap sa pagbabago ng klima, isulong ang transpormasyon ng industriya, at pag-ibayuhin ang pagkakapantay-pantay ng lipunan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio