Pagpapatibay ng pagbangon ng kabuhayan, ipinagdiinan ng Premyer Tsino

2022-07-15 15:47:06  CMG
Share with:

Ipinanawagan nitong Martes, Hulyo 12, 2022 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na patibayin ang pundasyon ng pagbangon ng kabuhayan, pabalikin sa normal sa lalong madaling panahon ang kabuhayan, at panatilihin ang takbo ng kabuhayan sa makatwirang antas.

 


Winika ito ni Li habang nangungulo siya sa isang simposyum hinggil sa situwasyon ng kabuhayan na nilahukan ng mga ekonomista at mangangalakal.

 

Saad ni Li, noong ika-2 kuwarter ng taong ito, nagdusa ang ekonomikong pag-unlad sa “napakabihirang” kalagayan, ang mga di-inaasahang elemento ay nagbunsod ng malubhang epekto, at lumalaki ang downward pressure. Sa ilalim ng ganitong kalagayan, may substansyal na pagbaba ang mga pangunahing economic indicator sa Abril.

 

Aniya, upang mapanatili ang takbo ng kabuhayan sa makatwirang saklaw, dapat patatagin ng bansa ang paglago ng kabuhayan, habang pinipigilan ang implasyon.

 

Kaugnay ng patakaran sa reporma at pagbubukas, ipinagdiinan ni Li na patuloy na lilikhain ng bansa ang naka-ayon sa pamilihan, batas, at pandaigdigang kapaligirang pang-negosyo, na may mga patakarang kakalinga at magpapasigla sa merkado.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac