Opisyal na pagpapalitan ng Amerika at Taiwan sa anumang paraan, matinding tinututulan ng Tsina

2022-07-20 18:51:36  CMG
Share with:

Kaugnay ng plano ni Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Amerika, na dumalaw sa Taiwan sa susunod na buwan, ipinahayag Hulyo 19, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na malinaw ang solemnang paninindigan ng Tsina sa nasabing isyu.

 


Buong tatag aniyang tinututulan ng Tsina ang opisyal na pagpapalitan ng Amerika at Taiwan sa anumang porma.

 

Hinihiling ng Tsina sa Amerika na sundin ang prinsipyong isang Tsina at regulasyon ng Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, at huwag ituloy ang pagdalaw ni Pelosi sa Taiwan, dagdag ni Zhao.

 

Ito aniya ay aktuwal na aksyon ng pagsasakatuparan sa pangako ng Amerika na hindi susuportahan ang “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Sinabi pa niyang kung igigiit ng Amerika ang planong ito, tiyak na isasagawa ng Tsina ang malakas na katugong hakbang para mapangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at ang Amerika ang magsasabalikat ng lahat ng responsibilidad sa lahat ng posibleng maging resulta.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio