Pagpapabagsak ng pamahalaan ng ibang bansa, malalim na naka-ugat sa pakatarang diplomatiko ng Amerika - Tsina

2022-07-19 17:11:34  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag ni John Robert Bolton, dating National Security Adviser ng Amerika, na sangkot siya sa pagpaplano ng mga kudeta sa ibang bansa, ipinahayag nitong Hulyo 18, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagpapabagsak ng pamahalaan ng ibang bansa ay malalim na naka-ugat sa patakarang diplomatiko ng Amerika.


 

Aniya, ang pahayag ni Bolton ay nagpakita na ang “kaauyasang pandaigdig na batay sa tuntunin,” na kinakalat ng Amerika ay, sa katotohanan, kaayusan na maggagarantiya sa pakiki-alam at pagpapatalsik sa pwesto ng mga pamahalaan ng ibang bansa ayon sa kagustuhan ng Amerika .

 

Hindi papayagan ito ng mga mamamayan ng buong daigdig, sinabi pa ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac