Tsina sa Amerika: Ibasura ang plano sa pagbebenta ng sandata sa Taiwan

2022-07-19 12:34:39  CMG
Share with:

Kaugnay ng pag-aproba ng panig Amerikano ng pagbebenta ng military technical assistance na nagkakahalaga ng 108 milyong dolyar sa “Taipei Economic and Cultural Representative Office in the US,” inihayag nitong Lunes, Hulyo 18, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang matatag na pagtutol at mariing pagkondena rito ng panig Tsino.

 

Hinimok niya ang panig Amerikano na sundin ang simulaing isang Tsina at mga alituntunin ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, at ibasura ang ganitong plano.

 

Saad ni Wang, patuloy na isasagawa ng panig Tsino ang mabisang hakbangin, para ipagtanggol ang sariling soberanya at kapakanang panseguridad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac