Ayon sa ulat kamakailan ng Asosasyon ng Tsina sa Pagkontrol at Pag-aalis ng Sandata at Institusyon ng Tsina sa Estratehiya ng Industriyang Nuklear, ang kooperasyon hinggil sa nuklear na submarino ng Amerika, Britanya at Australya ay masamang halimbawa ng pagbibigay ng kapabilidad sa isang bansa tungo sa pagkakaroon nito ng malaking bilang ng mga materyal na nuklear na maaaring gamitin para sa paggawa ng sandata, at magdudulot ng panganib sa pagpapalaganap ng sandatang nuklear.
Kaugnay nito, hinimok Hulyo 20, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang Amerika, Britanya at Australya na aktuwal na tugunan ang agam-agam ng komunidad ng daigdig, isakatuparan ang obligasyon sa hindi pagpapalaganap ng sandatang nuklear, at kanselahin ang maling kooperasyon hinggil sa nuklear na submarino.
Samantala, ipinahayag ni Wang na ito ang kauna-unahang pagkakataong naglabas ng ulat ang Tsina na nakapokus sa kooperasyon hinggil sa nuklear na submarino ng Amerika, Britanya at Australya.
Ayon pa sa ulat, ang naturang kooperasyon ay malubhang lumalabag sa prinsipyo ng Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT), direktang lumalabag sa regulasyon ng International Atomic Energy Agency (IAEA), sumisira sa katatagan ng buong daigdig, at nagdudulot ng panganib sa kapayapaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio