Talastasan ng Tsina at Timog Korea sa malayang kalakalan, umuusad; malaking kapakinabangan sa kapwa panig

2022-07-22 14:36:30  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Huwebes, Hulyo 21, 2022 ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sinimulan ng Tsina at Timog Korea ang ikalawang yugto ng talastasan hinggil sa kasunduan ng malayang kalakalan para pataasin ang antas ng kalakalang pangserbisyo at kalayaan ng pamumuhunan.


Sinabi ni Shu na hanggang sa kasalukuyan, natamo ng dalawang panig ang aktuwal na progreso pagkatapos ng 9 na round ng talastasan.


Ipinahayag ni Shu na nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng Timog Korea, para marating ang kasunduang may mutuwal na kapakinabangan sa lalong madaling panahon.


Sinabi ni Shu na sapul nang lagdaan ng dalawang bansa ang kasunduan ng malayang kalakalan noong 2015, binawasan nang 8 beses ng dalawang bansa ang taripa. Ito aniya ay nakakatulong nang malaki sa bilateral na kalakalan at pamumuhunan ng dalawang panig.


Salin: Ernest

Pulido: Mac