Inilabas Miyerkules, Hulyo 13, 2022 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina ang mga datos ng kalakalang panlabas ng bansa sa unang hati ng taong ito.
Ayon dito, ang mga natamong bunga ng kalakalang panlabas ng Tsina ay mas mataas kaysa sa mga inaasahang target ng mga institusyon sa loob at labas ng bansa.
Sa unang hati ng taong ito, pansamantalang lumala ang kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa mga lugar na gaya ng Shanghai at Shenzhen, at ito ay malaking nakaapekto sa kalakalang panlabas ng Tsina nitong nagdaang April.
Kasunod ng pagkontrol ng pamahalaang Tsino sa kalagayan ng COVID-19 at pagsasagawa ng mga hakbangin para mapanumbalik ang takbo ng mga bahay-kalakal, mabilis na lumolobo ang kalakalang panlabas ng Tsina simula noong nagdaang Mayo at Hunyo.
Para sa pamilihang pandaigdig, taglay ng Tsina ang lahat ng mga industriyang maaring magkaloob ng sapat na pangunahing produktong industriyal.
Kaya ang mga produktong iniluluwas ng Tsina ay mabisang nakakatugon sa pangangailangan ng daigdig.
Samantala, ang panloob na pangangailangan ng kabuhayang Tsino ay nagpapasigla sa pag-aangkat sa mga produktong mula sa ibayong dagat.
Ibig-saibhin, ang Tsina ay nasa napakahalagang puwesto sa pandaigdigang kadena ng industriya at suplay.
Ang bunga ng kalakalang panlabas ng Tsina ay nakapaglatag ng matatag na pundasyon para sa mabuting prospek ng kalakalang panlabas sa huling hati ng taong ito.
Salin:Ernest
Pulido: Rhio