Ipinahayag Hulyo 21, 2022, ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa kauna-unahang pagkakataon, lumampas ng US$200 bilyon ang halaga ng kalakalang kultural sa labas ng Tsina nitong nakaraang 2021, na lumaki ng 38.7% kumpara sa tinalikdang taon. Patuloy at malalim na umuunlad ang pagpapalitang kultural ng Tsina at mga bansang dayuhan.
Ani Shu, sa susunod na hakbang, magsisikap ang Ministri ng Komersyo ng Tsina, kasama ng iba’t ibang kinauukulang departamento, para pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng kalakalang kultural sa labas.
Salin:Sarah
Pulido:Mac