Hulyo 23, 2022 - Sa ilalim ng temang “Pagbabagong Pinapasulong ng Inobasyon at Bagong Kalagayang Dulot ng Didyital na Teknolohiya,” binuksan sa lunsod Fuzhou, lalawigang Fujian, gawing Timogsilangan ng Tsina ang Ika-5 Digital China Summit.
Itinatanghal dito ang mga bagong teknolohiya at produkto tungkol sa 5G, blockchain, artificial intelligence, at big data, para ipakita ang mga bagong tunguhin ng pag-unlad sa didyital na teknolohiya, at mga bagong bunga sa didyital na aplikasyon.
Inilabas din sa summit ang ulat tungkol sa didyital na pag-unlad sa Tsina noong 2021, at ayon dito, naitayo ng bansa ang pinakamalaking network infrastructure sa daigdig na may modernong teknolohiya.
Anang ulat, mabilis na lumalakas ang kakayahan ng Tsina sa larangan ng inobasyon sa didyital na teknolohiya.
Kalahok sa summit ang mahigit 200 eksibitor, mula sa mga sektor ng inobasyon ng didyital na teknolohiya, cybersecurity, didyital na ekonomiya, at mga didyital na serbisyo ng pamahalaan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan