CPI ng Tsina noong Hunyo, lumaki ng 2.5%

2022-07-09 17:55:02  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Hulyo 9, 2022, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon, lumaki ng 2.5% noong Hunyo ang consumer price index (CPI) ng Tsina, isang pangunahing indeks ng inflation.

 

Sinabi ni Dong Lijuan, senior statistician ng naturang kawanihan, na matatag sa kabuuan ang presyo ng mga bilihin sa Tsina, salamat sa sapat na suplay ng mga pangunahing paninda para sa pang-araw-araw na pamumuhay at epektibong pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Samantala, ang producer price index (PPI) ng Tsina noong Hunyo ay lumaki naman ng 6.1%.

 

Ayon pa rin kay Dong, kasunod ng pagpapanumbalik ng trabaho at produksyon sa mga lugar pagkaraan ng lokal na epidemiya, at pagpapatupad ng mga patakaran sa pagtiyak ng suplay, unti-unting nagiging matatag ang supply chain ng mga pangunahing industriya.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos